Mga Tanyag na Pilipino sa Iba’t ibang Larangan

Larangan ng Pagpipinta

Fernando Amorsolo

Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 – Abril 24, 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909.

 

 

 

Larangan ng Palakasan

Manny Pacquiao

Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao, (isinilang noong 17 Disyembre 1978), ay isang Filipino propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon at nanalo ng sampung titulo, unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa apat na ibat-ibang klase ng timbang.

Binansagan si Pacquiao ng “Fighter of the Decade” noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging “Fighter of the Year” sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.

 

Larangan ng Pagandahan

Gloria Diaz

Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos noong Ika-19 ng Hulyo taong 1969. Siya rin ay isang sikat at matagumpay na aktres sa Pilipinas.

 

Produktibong Mamamayan ng Bansa

 

Larangan ng Panitikan

Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na “Fray Botod” na nangangahulugang bundat na prayle.

 

Larangan ng Pag-awit

Sarah Geronimo

Si Sarah Asher Tua Geronimo (ipinanganak Hulyo 25, 1988) ay isang mang-aawit, aktres at modelong Pilipina. Siya ang nagwagi sa reality show na Star for a Night sa Pilipinas. Siya ang pinakabatang nanalo ng Star For A Night, isang palabas ng reality-based sa Pilipinas noong panahon ng MTV Pilipinas Awards 2004 nang kumanta si Geronimo, kasama si Guy Sebastian. Ginawaran si Geronimo bilang sikat na artista ng MTV Philippines. Ginawad rin siya bilang Nickelodeon’s Kids Choice for Wannabe Personality.

 

Larangan ng Paglililok

Napoleon Abueva

Si Napoleón Isabelo Veloso-Abueva (ipinanganak noong 26 Enero 1930), na higit na nakikilala bilang Napoleon Abueva o Nap Abueva, ay isang tanyag na iskultor na Pilipino. Itinuring siyang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas. Siya ang pinakabata sa taong 46, at kauna-unaha’t natatanging Boholano na nabigyan ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Sining Biswal.

 

 

 

Larangan ng Sayaw

Liza Macuja – Elizalde

Dating nabansagang “Ballerina of the People”, kilala si Lisa Macuja-Elizalde bilang isang tanyag na Prima Ballerina dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kasama sa mga patimpalak na ginawad sa kanya sa kanyang mahabang karera bilang ballerina at artist ang Order of International Friendship (na ginawad ni Russian President Vladimir Putin noong 2001), Ten Outstanding Young Persons of the World (1997), at ang Special Prize for Artistry by the House of Diaghilev (1992).

 

Larangan ng Agham at Teknolohiya

Leonardo Sarao

Nagsimulang naging makulay ang daigdig ni Leonardo Sarao nang siya ay 12 taong gulang. Sa murang gulang, huminto siya ng pag-aaral upang makatulong sa kanyang mga magulang. Siya ang panganay sa walong magkakapatid. Siya ang naging kutsero at panday sa isang talyer. Nang lumaon ay nagsanay siya sa paggawa ng katawan ng dyipni.  Sa simula, lima lamang ang kanyang manggagawa sa talyer, ngunit ngayon, umaabot na sa 400 ang kanyang mga manggagawa. Noong una, isang dyipni lamang ang nagagawa sa isang araw. Sa ngayon, apat na yunit na ang natatapos nila.

Bukod sa Sarao Motors, si Leonardo Sarao ay pangulo ng Liberation Transportation Corp. Sarao Development Corp; Las Pinas Lending Corp. at Sarao Broadcasting Network DWTM 89.9.

 

Larangan ng Musika

Levi Celerio

Si Levi Celerio (1910-2002), isang lirisista at kompositor, ay Pambansang Alagad ng Sining sa Musika nang Pilipinas. Bilang isang kompositor, nakasulat siya ng higit sa 4000 na mga awit sa Tagalog. Ang ilan sa mga ito ay salin mula sa mga banyagang kanta o mga bernakular na awit, ngunit ang karamihan dito ay kanyang mga orihinal na obra. Pinagmulan at Edukasyon Ipinanganak siya noong 30 Abril 1910 sa Tondo, Maynila at supling nina Juliana Celerio, ang nagturo sa kanya na tumugtog ng harpa, at ni Cornelio Cruz.

 

Larangan ng Pag arte

Nora Aunor

Si Nora “Guy” Aunor (ipinanganak bilang Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor noong 21 Mayo 1953)[1] ay isang mang-aawit na Pilipino, artista at producer na tinaguriang Superstar. Naging artista din siya sa maraming palabas sa entablado sa telebisyon at mga concert. Siya ang unang artistang babae na nagwagi ng International Best Actress Award sa Cairo International Film Festival para sa pelikulang “The Flor Contemplacion Story” Siya ay ang nag-iisang artistang babae ng pelikula na napabilang sa 100 Centennial Honor for the Arts na iginawad ng Cultural Center of the Philippines noong 1999. Naging asawa niya si Christopher de Leon at dalawang beses pang ikinasal ngunit sa kalunan, naghiwalay ang dalawa.

 

 

Larangan ng Tanghalan

Lea Salonga

Si Lea Salonga-Chien (ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang-aawit at aktres na naging bantog dahil sa kanyang pagganap sa musikal na Miss Saigon,  kung saan siya ay nagwagi ng Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at Theatre World Awards, ang kauna-unahang nanalo sa iba’t ibang international awards para sa iisang pagganap.

 

 

Leave a comment